^

Probinsiya

Kawani ng munisipyo nilikida

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang kawani ng lokal na pamahalaan makaraang barilin ng di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Sandawa Homes Subd. sa Kidapawan City kamakalawa ng gabi.

 Tatlong bala ng baril sa leeg ang tumapos sa buhay ni Ramil Villagonzalo Villaber, 33, ng River Park Subd. sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Ayon kay SPO4 Pedro Santiago, hepe ng Anti-Vice and investigation Division ng Kidapawan City PNP, sabay na sumakay sa traysikel ang biktima at gunman sa panulukan ng Quezon Boulevard at Singao Road.   

Pagsapit sa harapan ng Sandawa Homes Phase 1, ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at duguang sumandal ang biktima sa drayber ng trike na si Bonifacio Jaro.

Kaagad na bumaba sa tricycle ang suspek saka sumakay sa sumusunod na motorsiklo.  

Ito na ang ikatlong kaso ng summary execution na naganap sa Kidapawan City simula noong Marso 2011.  

Sa dalawa na naunang pinaslang ay kapwa may kinalaman sa bentahan ng bawal na droga.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BONIFACIO JARO

KIDAPAWAN CITY

PEDRO SANTIAGO

QUEZON BOULEVARD

RAMIL VILLAGONZALO VILLABER

RIVER PARK SUBD

SANDAWA HOMES PHASE

SANDAWA HOMES SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with