MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na kabiguan sa pag-ibig, pinatay sa saksak ng isang 16-anyos na binatilyo ang kolehiyalang bumasted sa kaniya sa bayan ng Surallah, South Cotabato kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Michelle Aaron Lubaton, estudyante ng Ateneo de Davao University habang tugis naman ang suspek na itinago sa pangalang Jeffrey, 16.
Lumilitaw na naganap ang krimen sa GMK apartment na pag-aari ni Gaspar Avila sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nagulantang na lamang si Avila matapos makarinig ng kalabugan at malakas na sigaw ng biktima kaya kaagad niyang inusisa.
Dito na bumungad ang duguang katawan ng biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek.
Ayon sa pulisya, inamin naman ni Avila na helper niya ang suspek na masugid na manliligaw ni Lubaton.