^

Probinsiya

Coed dedo sa ex-suitor

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na kabiguan sa pag-ibig, pinatay sa saksak ng isang 16-anyos na binatilyo ang kolehiyalang bumasted sa kaniya sa bayan ng Surallah, South Cotabato kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Michelle Aaron  Lubaton, estudyante ng Ateneo de Davao University habang tugis naman ang suspek na itinago sa pangalang Jeffrey, 16.

Lumilitaw na naga­nap ang krimen sa GMK apartment na pag-aari ni Gaspar Avila sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nagulantang na lamang si Avila matapos makarinig ng kalabugan at malakas na sigaw ng biktima kaya kaagad niyang inusisa.

Dito na bumungad ang duguang katawan ng biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek.

Ayon sa pulisya, inamin naman ni Avila na helper niya ang suspek na masu­gid na manliligaw ni Lubaton.

vuukle comment

ATENEO

AVILA

AYON

DAHIL

DAVAO UNIVERSITY

DITO

GASPAR AVILA

LUBATON

MICHELLE AARON

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with