CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong lalaki na sinasabing biktima ng summary execution kung saan sunog ang mga bangkay sa magkahiwalay na lugar sa Batangas at Quezon kahapon ng umaga. Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas PNP director, unang natagpuan ang dalawang bangkay na sinunog kasama ng mga lumang gulong ng sasakyan sa hangganan ng Sitio 3, Barangay Balete at Barangay Mahabang Parang, Batangas City.
Samantala, isang sunog na bangkay din ang natagpuan sa liblib na bahagi ng Barangay Pury, San Antonio, Quezon kahapon din ng umaga. Kasalukuyang inaalam pa rin ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ng tatlo.