2 patay sa banggaan

KIDAPAWAN CITY ,Philippines  – Hindi na umabot sa altar ang isang 19-anyos na dalagang ikakasal matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo na ikinasawi rin ng isa pa katao sa lungsod na ito kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Nikki Joren Pegi ng Brgy. Estado, Matalam, Cotabato, idineklarang dead on arrival sa pagamutan na ikakasal sana sa taong ito. Ayon sa pulisya, bandang alas-7:20 ng umaga nang sumalpok ang motorsiklong Honda XRM na minamaneho ni Pegi sa kasalubong na isa pang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa lungsod na ito. Patay rin ang driver ng nakabunggo nitong Honda XRM na motorsiklo na si Ariel Marquez, security guard ng Land Bank of the Philippines sa sangay nito sa naturang siyudad. Nabatid na kapwa walang suot na helmet ang mga biktima.

Show comments