MANILA, Philippines - Nagmistulang ghost town ang ilang barangay sa tatlong bayan sa Maguindanao matapos lumobo na sa halos 2,000 ang nagsilikas na residente sa takot na madamay sa clan war ng angkan ni Governor Esmael Mangudadatu at ng 109th Moro Islamic Liberation Front rouge elements, ayon sa ulat kahapon.
Aabot sa 197 pamilya ang mga nagsilikas o kabuuang 1, 733-katao na nagsilikas mula sa Brgy. Tenok, Mangudadatu gayundin mula sa mga bayan ng Buluan at Pandag.
Kabilang sa mga nagsilikas ay 60 pamilya mula sa Brgy. Kayaga, Pandag; 67 pamilya sa Brgy. Degal, Buluan; 23 pamilya sa Upper Siling, Buluan (ASFA Multi Purpose Building, 26 pamilya mula sa Upper Siling na kinukopkop naman sa ASFP Warehose at 32 mula naman sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Buluan.
Sumiklab ang kaguluhan matapos ang pananambang ng grupo ni 109th MILF Base Command Commander Tautin Salendab sa angkan ng mga Mangudadatu noong Linggo kung saan aabot sa 11-kato ang nasawi
Samantala, nagpakalat ang 240 company ng mga sundalo at 12 tangke sa nasabing lugar na apektado ng tensiyon.
Inihayag naman ni Major Gen. Emmanuel Bautista, Deputy Chief of Staff for Operations (J3) sa kasalukuyan ay nanatili ang tropa ng pamahalaan sa lugar upang maiwasang kumalat pa sa iba pang mga lugar sa Maguindanao ang kaguluhan.