P2M tangay sa pawnshop

CAVITE , Philippines  – Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng alahas ang nawala sa pawnshop matapos tangayin ng isang lalaki na nagpanggap na inspector ng kumpanya sa naganap na nakawan sa Barangay Magdiwang sa bayan ng Noveleta, Cavite kamaka­lawa. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na dumating sa Sugbuan Pawnshop ang isang lalaki na nagpakilalang inspector ng Western Union Co. kung saan inutusan ang tatlong kawani na linisin ang signage na nasa harapan ng establisimyento. Kaagad namang tumalima ang tatlo kaya naiwang mag-isa ang suspek kung saan nagawang nilimas ang mga alahas na nakalagay sa vault bago tumakas. Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong inside job ang naganap na nakawan.

Show comments