3 pagyanig naitala
MANILA, Philippines - Tatlong pagyanig ang naitala sa iba’t ibang lalawigan sa loob lamang ng 8-oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Naramdaman ang unang pagyanig sa may 27 kilometrong bahagi ng Hilagang Silangan ng Baler, Aurora na may lakas na 3.1 magnitude pasado alas 2 ng madaling-araw. May lakas namang 3.0 magnitude ang ikalawang lindol na tumama sa may 36 km sa Timog Kanluran ng Malay-Balay, Bukidnon pasado alas-7 ng umaga kahapon. Bandang alas-10:01 ng umaga ay naramdaman naman ang 3.5 magnitude na lindol sa Lubang Island. Wala namang naiulat na nasawi o nawasak na ari-arian habang wala ring tsunami.
- Latest
- Trending




















