Municipal assessor niratrat
ILOCOS NORTE, Philippines – Sugatan at nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang municipal assessor makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng Peoples Center sa Laoag City, Ilocos Norte noong Biyernes ng hapon. Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Pagudpud assessor Engr. Reynold Galat.
Ayon sa hepe ng pulisya sa Pagudpud na si P/Senior Inspector Dexter Corpuz, pauwi na si Galat mula sa munisipyo nang pagbabarilin kung saan tinamaan sa braso at kanang tiyan.
Samantala, si Pagudpud Mayor Maja Sales ay nakaligtas din sa pananambang noong nakalipas na taon kung saan magbibigay ng pabuyang P50,000 sa sinumang makapagtuturo sa bumaril kay Engr. Galat.
Magugunita na nagbabala ang ilang provincial official sa Ilocos Norte na masyadong lumalala ang karahasan sa kanilang lalawigan dahil sa guns-for-hire na binibigyan lamang ng P5,000.00.
- Latest
- Trending





















