Pulis dedo sa kapwa pulis

BATANGAS , Philippines  – Kinalawit ni kamatayan ang isang pulis matapos umanong makipagbarilan sa kabaro nitong pulis sa bayan ng San Juan noong Biyernes. Kinilala ni Supt Jonathan Tangonan, hepe ng San Juan police ang nasawing pulis na si Senior Police Officer 1 Alejandro Samarita, 47, residente ng Barangay Laiya Ibabaw, San Juan Batangas at miyembro ng police mobile group ng San Juan police station. Ayon sa report, ini-report sa pulisya ng isang residente si Ronnie Valdez na may bitbit na baril habang nakikipagtalo sa mga tenant at mga empleyado sa lupaing pag-aari ni Butch Campos. Mabilis namang rumesponde sa lugar ang grupo ni SPO2 Ruel Dimaano  at naaresto si Valdez na dinala sa Police Assistance Center (PAC) para imbestigahan ng dumating si SPO1 Samarita na armado ng kaniyang service firearm. Inaarbor di-umano ni SPO1 Samarita ang inaanak nito sa kasal na si Valdez mula sa kustodiya ng mga umarestong pulis hanggang sa magkainitan sila ni SPO2 Dimaano na mauwi sa barilan.

Show comments