2 holdaper tiklo, P.2M tangay

BULACAN, Philippines – Dalawa sa apat na holdaper ang naaresto ng pulisya habang nata­ngay naman ang halagang P.2 milyong kinita sa Small Town Lottery sa naganap na holdapan sa bahagi ng Barangay Pinagbarilan sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Mark Oliver Baltazar, 23; at Rex Alonzo, 32, habang tugis naman ang dalawang kasamahan na sina Leonardo Moreno at Raymond Aquino na kapwa nakatira sa Barangay San Francisco sa bayan ng Bulakan.

Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Wendy Rosario, hinoldap ng mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo ang mga biktimang sina Elvie Yutuc, Rodzon Dela Cruz at Noel Bermudez na lulan ng service vehicle (RDY 476) kung saan magdadala sana ng P230,000 sa kanilang opisina.

Hindi naman nasiraan ng loob sina Bermudez at Dela Cruz kung saan hinabol nila ang mga suspek na lulan ng motorsiklo (8331 RM) subalit dalawa lamang ang inabutan sa tulong na rin ng mga pulis.

Narekober sa dalawa ang cal.38 revolber at motorsiklo subalit tangay naman ng dalawang nakatakas ang malaking halaga.

Show comments