Prosecutor's office binomba

MANILA, Philippines - Niyanig ng pagsabog ang Provincial Prosecutor’s Office sa bayan ng Ipil, Zamboanga, Sibugay kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-4 ng madaling-araw nang umalingawngaw ang nakatutulig na pagsabog sa bisinidad ng Brgy. Poblacion. Napag-alamang nadamay sa pagsabog at tuluyang nasunog ang Prosecutor’s Office, Public Attorney’s office gayundin sa Parole and Probation Office. Kabilang sa tinupok ng apoy ay mahahalagang dokumento na ginagamit sa kor­te. Samantala, tinatayang aabot naman sa P2 milyong halaga ng ari-arian napinsala habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments