Anak todas sa ama

??NUEVA ECIJA, Philippines — Isang 32-anyos na anak ang nasawi matapos mabaril ng sariling ama dahil sa mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Agbannawag sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija.? Napuruhan sa tiyan si Alvin Carabiles Castelo, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Albert Calderon Castelo, 54. Base sa police report, lango sa alak nang umuwi ang biktima kung saan nagsisigaw sa loob ng kanilang tahanan. Nang magising ang ama ay inaawat at pinatatahimik ang biktima na nauwi sa pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaril.

Show comments