Minero pinabulagta ng kabaro

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Isang 25-anyos na minero ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang kabarong minero kamakalawa ng gabi sa Purok Mangga, Barangay Puno sa bayan ng Aroroy, Masbate. Napuruhan sa dibdib si Herbert Rapsing habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Ricky “Eking” Pajes na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, papauwi na ang biktima kasama ang kanyang bayaw na si Lorenzo nang lapitan at ratratin ng suspek. Pinaniniwalaang away sa minahan ang isa sa motibo ng pamamaslang.

Show comments