Nagtapon ng ebak sa ilog, nalunod

RIZAL, Philippines — Isang 7-anyos na batang lalaki na sinasa­bing nagtapon ng ebak ang iniulat na nasawi matapos na madulas at mahulog sa ilog sa bahagi ng Hinulugang Taktak sa Barangay Dela Paz sa Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga. Umabot sa 8-oras bago tuluyang nakuha ng mga awtoridad ang bangkay ni Wilfredo Vinuya ng Taktak Road sa nasabing barangay. Sa police report, ganap na alas-9 ng umaga nang magtapon ng basura ang biktima sa ilog kung saan nadulas at nagtuluy-tuloy sa tubig. Sinabi Joey Marcos, isa sa grupo ng City Civil Defense, malalim at maitim na ang ilog kaya nahirapan silang makuha kaagad ang bangkay ng bata.

Show comments