Preso dinedo ng janitor

MANILA, Philippines - Patay ang isang preso matapos pagbabarilin ng janitor sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang nasa­wing inmate na si Restituto Malait  habang tumakas naman ang suspek na si Gibsan Fernandez na sinasabing janitor sa himpilan ng pulisya sa nabangit na bayan. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, lumilitaw na kinuha ng suspek ang baril ni SPO2 Florante Mancera na nakapatong sa ibabaw ng mesa habang nag-aalmusal  ang pulis sa himpilan. Kasunod nito ay pinagbabaril ng suspek ang nasorpresang preso na nasa selda.

 

Show comments