Traffic enforcer nilikida

QUEZON, Philippines  —Napatay ang isang 38-anyos na traffic enforcer habang sugatan naman ang isang 12-anyos na batang babae matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa panulukan ng Cabunag at Nadres Street sa Barangay Poblacion sa bayan ng Candelaria, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga bala sa ulo at daliri si Eduardo Magnaye ng Barangay Sta. Catalina habang ginagamot naman sa Candelaria District Hospital si Lejanie Bioc ng Brgy. Malabanban dahil sa tama ng bala sa kanang paa.

Ayon kina PO2 German de Villa at PO2 Archivald Rea, nakaupo ang biktima sa traysikel nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Nadamay naman si Bioc na nakaupo lamang sa tindahan ng mga prutas.

Bago naganap ang pamamaslang ay sinabi ng biktima sa mga kasamahang traffic enforcer na may mga natatanggap siyang pagbabanta mula sa hindi nagpakilalang mga lalaki.

Show comments