May-ari ng videoke bar dinedo

CAVITE, Philippines – Napaslang ang isang 64-anyos na may-ari ng videoke bar matapos pagbabarilin habang umaawat sa away ng dalawang kostumer kamakalawa ng gabi sa Barangay San Gabriel sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Sa ulat ni P/Senior Insp. Juan Oruga, napuruhan sa dibdib si Rowena Pilverra, may ari ng Ken & Mai Pub House and Kitchenette at nakatira sa Teachers Village, sa nabanggit na barangay. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na umawat ang biktima sa nag-aaway na kostumer sa loob ng nasabing videoke bar kung saan nabaril ng dalawang beses. Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments