Nagpatayan dahil sa kawayan

QUEZON, Philippines — Isang 65-anyos na magsasaka ang ini­ulat na napatay makaraang saksakin ng sariling kapatid na lalaki kamakalawa ng hapon sa Sitio Masay, Barangay Antipolo sa bayan ng Sariaya, Quezon. Nasapol sa dibdib na tumagos sa puso kaya nasawi si Angelito Vendiola habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Danilo Vendiola. Sa pagsisiyasat nina PO3 Noriel Banaag at PO2 Andro Radones, naganap ang krimen matapos magtalo ang mag-utol kaugnay sa mga punong kawayan na pinag-aagawan.

Show comments