Pipi't bingi ni-rape ng Kano
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 50-anyos na Kano na sinasabing sangkot din sa kasong rape at illegal drugs noong 2010 ang muling nahaharap sa panibagong kasong kriminal matapos halayin ang isang pipi’t bingi na dalaga sa Barangay Leonardo sa Tuguegarao City, Cagayan.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Scotty Brown, tubong Mississippi, USA at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na barangay.
Ayon sa reklamo ng biktimang 20-anyos sa pamamagitan ng interpreter sa pulisya, noong Enero 4, 2011 nang maganap ang maitim na balak ng suspek sa Peacock Motel.
“Brown fetched me from our house, We then proceeded in a motel and he raped me…,” nakasaad sa sinumpaang reklamo ng biktima sa Tuguegarao City police women’s desk sa pamamagitan ng interpreter noong March 15.
Napag-alaman na sinamahan ang biktima ng kanyang ina upang magreklamo sa pulisya matapos malamang nagdadalang tao dahil sa naganap na panghahalay.
Napag-alaman na ang suspek ay nahaharap sa kasong rape laban sa isang 18-anyos sa bayan ng Aparri, Cagayan at kasong droga matapos makumpiskahan ng shabu noong Pebrero 2010, ayon kay P/Supt. Pedro Martirez, PNP director ng Tuguegarao City.
- Latest
- Trending




















