^

Probinsiya

Cafgu nilikida ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang bakasyunistang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harapan ng kanyang misis at mga anak  sa Barangay Pamukid, sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur noong Huwebes ng tanghali. Napuruhan sa ulo si Gino Olugar na nakatalaga sa Army’s 9th Infantry Division. Ayon kay 9th Infantry Division spokesman Major Harold Cabunoc, kababa lamang ng sasakyan ni Olugar kasama ang kanyang mag-iina nang lapitan at ratratin ng hit squad ng NPA. Base sa tala ng PNP at AFP, umaabot na sa 45-katao ang napatay ng NPA sa Kabikulan noong 2010  kabilang ang 8 Cafgu at 6-sundalo habang 6 miyembro naman ng pamilya ni Pedrito Bico ay pinatay din noong Pebrero 2011.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PAMUKID

CAFGU

CAMARINES SUR

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

GINO OLUGAR

INFANTRY DIVISION

MAJOR HAROLD CABUNOC

NEW PEOPLE

PEDRITO BICO

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with