2 nangholdap sa doktor tiklo

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang lalaki na sinasabing nangholdap sa doktor sa loob ng klinik matapos maaresto ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Barangay Manggahan sa bayan ng General Trias, Cavite. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Dhats Asakil, 30; at Abdulah Lugin, 37, kapwa nakatira sa Pabahay 2000 sa Barangay San Francisco sa nabanggit na bayan. Base sa police report, ang mga suspek ay nanloob sa bahay ni Dr. Anthonette Khan-Yec Lojera sa Barangay Pinagtipunan. Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang dalawa sa bahagi ng Barangay Javalera kung saan nasamsam ang dalawang baril at ilang personal na gamit ng biktima.

Show comments