BULACAN ,Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng dalawang lalaki na sinasabing mga suspek sa pagpatay sa isang trike driver makaraang maaresto ng pulisya sa Barangay Wakas sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Roban Valenzuela, 33 at Leviste Espejo, 52, kapwa nakatira sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Elvis Diaz, naaresto ang mga suspek na lulan ng motorsiklo (3111RK) sa inilatag na checkpoint.
Sa record ng pulisya, ang dalawa ay sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay kay Jesus Cartagena ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan. Inamin naman ni Valenzuela ang krimen dahil pinaghigantihan lamang niya si Cartagena kung saan sinasabing hinoldap nito si Claire Villanueva sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan noong nakalipas na taon.
Nasamsam sa mga suspek ang dalawang baril.