Lider ni Mayor Strike Revilla nilikida

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang lider ni Mayor Strike Revilla ng dalawang 'di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap na bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Edgardo Roquero, hepe ng Bacoor PNP, Labintatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Sem Infante Hermoso, 53, ng Latero Green Valley sa Barangay San Nicolas 3 sa nabanggit na bayan at lider ng Strike Force Brigade. Ayon kay SPO4 Dante Ordoño, nakatayo sa gilid ng kalsada si Hermoso na may limang metro lamang ang layo sa kanyang bahay nang lapitan at ratratin ng dalawang 'di-kilalang lalaki. May teorya ang pulisya na may nasagasaang grupo ang biktima dahil sa pagiging lider nito sa nabanggit na task force.

Show comments