1,215 pulis ideneploy sa Cagayan
CORDON, Isabela ,Philippines – Umaabot sa 1,215 mga pulis ang ideneploy na para mangalaga sa seguridad kaugnay ng gaganaping congressional special elections sa ikalawang distrito ng Cagayan ngayong araw (Marso 12 ). Ayon kay Sr. Supt. Mao Aplasca, Provincial Police Office (PPO) Director, ang pagpapakalat ng pulisya sa pakikipagtulungan ng Philippine Army ay upang matiyak ang maayos at mapayapang halalan sa lugar. Ang ikalawang distrito ng Cagayan ay may 154,69 nakatalang botante mula sa iba't ibang bayan tulad ng Lasam, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Claveria, Pamplona, Piat, Rizal, Sanchez Mira, Santa Praxedes, Santo Niño at Calayan. Nabakante ang upuan ng representative sa second district ng Cagayan matapos pumanaw si dating Rep. Florencio Vargas noong Hunyo 2010 na siyang paglalabanan ngayon ni dating Governor Edgar Lara at Abulug Vice Mayor Baby Aline Vargas-Alfonso.
- Latest
- Trending