Jailbreak: 3 preso pumuga

RIZAL, Philippines – Isa na namang jailbreak ang naganap sa bayan ng Tanay, Rizal matapos makapuga ang tatlong preso kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Rizal PNP director P/Senior Supt. Manuel Prieto ang mga pugante na sina Roger Orillo, 21; Ricky Buenaventura, 30, kapawa taga-Pililla, Rizal; at Gilbert Rivera, 22, tubong Ozamis, Negros Occidental. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nilagare ang ilang bakal sa bubungan ng kulungan kaya nakalusot ang mga preso.Posibleng malagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang hepe ng Tanay na si P/Supt. Felipe Abigan. Matatandaan na noong nakalipas na linggo ay nagka-jailbreak sa bayan ng Teresa, Rizal kung saan isa ang namatay, habang dalawa naman ang sugatan.

Show comments