4 tulak-droga arestado

KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines — Rehas na ba­kal ang binagsakan ng apat-katao matapos maaresto ng pulisya sa kasong bawal na droga sa magkakahiwalay na bayan sa Bulacan kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. Wendy Rosario ang mga suspek na sina Alfie Tumabang, 27; Bernadeth Martinez, 35, kapwa nakatira sa Purok 4, Brgy. Bagong Buhay 1, San Jose Del Monte City, Bulacan; Arthur Galvez, 33, ng Barangay Tuktukan, Guiguinto at si Rey Adriano ng Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria. Base sa ulat ni P/Supt. Rodolfo Hernandez, naaresto ang magka-live-in na sina Tumahang at Martinez matapos ang buy-bust operation kung saan nakumpiskahan ng 13 plastic sachet ng shabu. Nasamsam naman kay Galvez ang 6-sachet ng shabu sa Brgy. Pulong Gubat. Naaresto din ni P/Supt. Lailene Amparo ang drug pusher na si Adriano sa Brgy.Poblacion kung saan nasamsam ang 8 plastic sachet ng shabu.

Show comments