^

Probinsiya

Militante itinumba sa harap ng anak

- Ni Victor Martin -

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isang militanteng magsasaka ng Anakpawis Partylist group ang iniulat na napaslang matapos pag­babarilin sa harapan mismo ng kanyang anak ka­hapon ng umaga sa ba­yan ng San Mateo, Isabela.

Napuruhan sa ulo si Bonifacio Labasan, 62, miyembro ng grupong Dang­gayan Dagiti Mannalon ti Isabela (Dagami) ng Anakpawis at nakatira sa Barangay Bagong Sikat sa bayan ng Ramon.

Napag-alamang lulan ng motorsiklo ang biktima kaangkas ang anak na si Lanie Miguel nang harangin ng motorcycle-riding gunmen.

Dito na pinuntirya sa ulo at tiyan ang biktima sa harap mismo ng kanyang anak kung saan duguang bumulagta.

Napag-alaman na si Labasan, ay nangangampanya laban sa pagpapa­tayo ng US$120 milyong halaga ng bio-ethanol plant project sa nasabing bayan.

Karamihan sa militanteng grupo ay tumututol dahil mawawalan ng sasakahin ang mga magsasaka kabilang na ang pagpapalayas sa grupong Aeta na naninirahan sa nasabing lugar.

Itatayo ang nabanggit na proyekto sa 11,000-ektaryang lupain sa San Mariano ay maglalabas ng 54 milyong litro ng ethanol kada buwan at tiyak na makakabawas sa polusyon kung ito ang gagamitin sa mga sasak­yan.

AETA

ANAKPAWIS PARTYLIST

BARANGAY BAGONG SIKAT

BONIFACIO LABASAN

DAGITI MANNALON

ISABELA

LANIE MIGUEL

NAPAG

SAN MARIANO

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with