Bus hulog sa bangin: 3 utas, 22 grabe

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi kabilang ang driver habang 22 iba pa ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong bus sa naganap na trahedya sa Barangay Pook sa bayan ng Talisayan, Misamis Oriental noong Martes ng gabi.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Jolito Caseres, dalawang pasaherong lalaki ang namatay at kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan at ang driver na si Dwight Catig.

Kabilang sa mga sugatang isinugod sa Talisayan District Hospital ay sina Ray Tapik, Evangeline Ratilla, Frezel Jasmine Pelayo, Ro­berto Yakit, James Yvanes, Lecenia Yvanes, Alfredo Pelayo, Senecia Pelayo, Ce­cille Aberoja, Elmer Rosmana, Rosita Rosmana, at si Gilbert Zarate.

Base sa imbestigas­yon, nawalan ng control sa manibela ang drayber ng Bachelor Express Bus  na may body number 3948 na nagmula sa Cagayan de Oro City  patungong Butuan City nang sumalpok sa barandilya ng tulay.

Sa lakas ng pagka­ka­bangga ay nagpagiwang-giwang ang bus at tuluy-tuloy na bumulusok sa malalim at mabatong sapa.

Show comments