^

Probinsiya

Manugang tinodas, biyenan nag-suicide

-

BATANGAS, Philippines – Patay ang isang 28-anyos na misis matapos barilin ng kanyang biyenang lalaki dahil lamang sa awayan sa negosyo sa bayan ng San Juan, Batangas kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Jonathan Tangonan, hepe ng San Juan PNP ang napatay na si Myra Carla De Villa, photographer at nakatira sa Kalayaan Street, Barangay Poblacion.

Ayon sa police report, bandang alas-2:25 ng hapon nang sugurin si Carla ng kanyang bi­yenang si Armando De Villa, 68, na isa ring photographer.

Nagtalo ang magbiyenan matapos sulutin ni Carla ang kliyente ni Armando na nauwi sa pamamaril ng matandang De Villa kung saan napuruhan sa ulo ang misis.

Matapos ang pamama­ril, tumakas si Armando patungo sa kanyang bahay sa Family Heaven East, Brgy. Lipahan.

Nang sundan ng mga operatiba ng pulisya si Armando ay natagpuan itong nakahandusay sa 2nd floor ng kanyang bahay na may tama ng bala ng baril sa dibdib.

May teorya ang mga imbestigador ng pulisya na maaring nakunsensya ang matanda sa pagpatay ng kanyang manugang kaya nag-suicide.

vuukle comment

ARMANDO

ARMANDO DE VILLA

BARANGAY POBLACION

CARLA

DE VILLA

FAMILY HEAVEN EAST

JONATHAN TANGONAN

KALAYAAN STREET

MYRA CARLA DE VILLA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with