Koreano utas sa kuryente

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang estud­yanteng Koreano matapos na makuryente sa loob ng pa­aralan sa San Jose City, Nueva Ecija kahapon ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Charlie Kim ng San Jose City Colleges. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alauna y medya ng hapon sa Barangay Sto. Niño. Napag-alamang kinukumpuni ni Kim ang linya ng kuryente sa loob ng kanilang silid-aralan nang mahawakan nito ang talop na wiring. Dito na nasaksihan ng ilang estudyante na nagkikisay si Kim. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments