QUEZON ,Philippines – Isa ang nasawi habang walong iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong jeepney sa railing ng highway sa Barangay Lutucan, Malabag sa bayan ang Sariaya, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at idineklarang patay sa United Candelaria Doctors Hospital si Jerome Manebo habang sugatan naman sina Joseph Ilao, John Carlo Alvarez, Dan Mark Virtucio, Robertsan Bautista, Jeffrey Austria, Fausto Kenneth Canal, Wilson Caguimbal at si Engelbert Florez na pawang nakatira sa Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon. Lumilitaw na nawalan ng control sa manibela ang drayber ng jeepney (DNH 423) na si Manebo na patungong Barangay Guisguis kaya sumalpok sa gilid sa railing.