^

Probinsiya

3 kagawad, SK chairman minasaker

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang SK chairman ang iniulat na napaslang habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng ex-barangay chairman sa loob ng barangay hall sa Silay City, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga napatay ay sina Freddie Jono, Pedrito Rosio, Luzviminda Cotamen, pawang mga barangay kagawad; at si Aimee Occenia, chairman ng Sangguniang Kabataan.

Samantala, sugatan naman si Barangay Chairman Ramon Celebre, at ang dalawang barangay kagawad na sina Sally Corugda, at Lenny Leorca.

Pinaghahanap naman ang suspek na si ex-Chairman Noel Ayalin na sinasabing nakatakdang kasuhan kaugnay sa nadiskubreng anomalya na aabot sa milyong halagang pondo ng barangay.

Ayon kay PO3 Reyla Re­badunta, nagpatawag ng session ang bagong barangay chairman sa loob ng barangay hall bandang alas-8:30 ng umaga kaugnay sa nadiskubreng P1.2 millyong unliquidated amount sa panahon ng pamamahala ng suspek.

Lumilitaw na nagsisimula pa lang sana ang session nang biglang sumulpot at ratratin ng suspek ang mga biktima.

May teorya ang pulisya na may nakapag-tip sa suspek na may session sa barangay hall kaugnay sa kanyang anomalya kaya isinagawa ang pamamaslang.

AIMEE OCCENIA

BARANGAY

BARANGAY CHAIRMAN RAMON CELEBRE

CHAIRMAN NOEL AYALIN

FREDDIE JONO

LENNY LEORCA

LUZVIMINDA COTAMEN

NEGROS OCCIDENTAL

PEDRITO ROSIO

REYLA RE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with