Trader kinidnap

MANILA, Philippines - Bumanat muli ang mga armadong kidnapper matapos dukutin ang isang negosyanteng babae sa harapan ng tahanan nito sa Zamboanga City kamaka­lawa ng gabi.

 Ang biktima ay nakilalang si Olivia Barredo, nagmamay-ari ng grocery store, hardware shop at pharmacy  sa Sitio La­wingan, Brgy. Labuan ng lungsod.

Sinabi ni AFP-Western Mindanao Command Spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang, naganap ang insidente sa harapan ng tahanan ng pamilya Barredo sa nasabing lugar dakong alas-6 ng gabi.

Bigla na lamang sumulpot ang mga armadong kid­napper na agad tinutukan ng baril ang ginang saka kinaladkad patungo sa dalampasigan kung saan isinakay ito sa pumpboat.

Sa kasalukuyan, ay pa­tuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf sa pagdukot sa ginang. Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga awtoridad sa kasong ito. 

Show comments