^

Probinsiya

Mag-utol inutas sa pagkakautang ng ama

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Pinatay sa sa­kal ang mag-utol na bata matapos dukutin ng isang tindero ng lobo saka iniwan sa bakanteng lote sa Barangay United Better Living sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Linggo ng umaga (Peb. 27).

Kinilala ni PO1 Jocelyn Dela Cerna, ang mag-utol na sina Eunice Ann Longno, 8; at Mark Daryl, 5, kapwa nakatira sa Maligaya 4, Pacita Complex, Pacita 1, Barangay San Vicente sa nabanggit na bayan.

Ayon sa police report, dinukot ng suspek na si Joey Aguirre, 30, ng #146 Argana Street, Barangay Laram, San Pedro, Laguna ang magkapatid bilang ganti kay Daryl Longno na ama ng mga bata.

Lumilitaw na nagkautang ang matandang Longno kay Aguirre ng halagang P900 matapos magsabong kung saan hindi pa nababayaran.

Para makapaghiganti, inakit ni Aguirre ang mag-utol na sumama sa Jaca Filinvest sa nabanggit na barangay matapos pangakuan na bibigyan ng lobo.

Nang makarating ang suspek at ang mag-utol sa nasabing subdivision, doon na isinagawa ang krimen.

Naaresto naman si Aguirre matapos ituro nang isa sa mga kalaro ng mag-utol na siyang nagsakay sa traysikel bago nawala ang dalawa. Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

AGUIRRE

ARGANA STREET

ARNELL OZAETA

BARANGAY LARAM

BARANGAY SAN VICENTE

BARANGAY UNITED BETTER LIVING

DARYL LONGNO

ED AMOROSO

EUNICE ANN LONGNO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with