CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang 31-anyos na lalaki na sinasabing kinalasan ng kanyang syota ang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa pinapasukang welding shop sa Barangay San Marcos sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur kahapon ng umaga. Bandang alas-7:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Dennis Surro, tubong San Jacinto, Masbate at nakatira sa Barangay San Roque. Base sa police report, huling namataang buhay ang biktima na umiinom ng alak dahil sa pakikipagkalas ng kanyang syota. Pinaniniwalaang dinamdam ng biktima ang ginawa ng kanyang kasintahan kaya nagdesisyong mag-suicide.