^

Probinsiya

Shabu laboratory sinalakay

-

Batangas, Philippines  – Milyong halaga ng mga kemikal at kagamitan ang nasamsam ng mga elemento ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang raid sa hinihinalang drug laboratory sa lungsod ng Lipa kamakalawa ng hapon.

 Ayon kay Regional Director Jeffrey Bangsa ng PDEA Region-4A bagamat wala silang naarestong tao sa nasabing raid, nakarekober naman anya sila ng bultu-bultong kemikal at mga gamit sa paggawa ng shabu.

 Sa ipinalabas na search warrant ni Judge Amor Reyes ng NCR Judicial Region, Branch 21 ng Manila, sinalakay ng mga miyembro ng PDEA kasama na rin ang mga tauhan ng PNP AIDSOTF (Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force) at Lipa Police ang isang bahay na matatagpuan sa # 1834 Yokohama Street, Sakura Executive Village, Brgy. Maraouy, Lipa City bandang alas-3 ng hapon.

Ayon kay Bangsa, napag-alamang inuupahan ng mga Chinese nationals na sina Benjie Ang, Shun Lee Wang at Shan Lo Wang ang naturang bahay sa halagang P15,000.00 mula pa noong Oktubre 2010.

 Narekober sa naturang shabu laboratory ang mga naka kahong sodium hydroxide, hydro iodic acid, barium sulphate, black and white crystalline, dilaw at pulang likido at assorted equipments.

AYON

BENJIE ANG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

JUDGE AMOR REYES

JUDICIAL REGION

LIPA CITY

LIPA POLICE

REGIONAL DIRECTOR JEFFREY BANGSA

SAKURA EXECUTIVE VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with