High school coed ni-rape-slay
ATIMONAN, QUEZON, Philippines — Nakasuot pa ng kulay rosas na gown na ginamit sa Junior Senior Prom ang isang 15-anyos na estudyante nang matagpuan itong wala ng buhay na hinihinalang ginahasa bago pinatay ng dati nitong boyfriend sa tabi ng slaughter house sa Purok Munting Sambat, Brgy. Tagbakin ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Ang biktima ay ipinatago ng pamilya nito sa pangalang Arleen, 3rd Year sa Maligaya National High School sa Brgy. San Isidro.
Arestado naman sa follow-up operation ang suspek na si Arjay Pabit, 21-anyos, tricycle driver at residente ng naturang barangay.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Joven Camba, dakong alas-5:30 ng umaga ay masayang nagpaalam ang biktima sa kanyang mga kaibigan na uuwi na matapos ang kanilang masayang JS Prom.
Sumakay ang biktima sa tricycle ng suspek at nagpahatid subali’t sa halip na sa kaniyang bahay dalhin ay dinala siya nito sa slaughter house at doon ay niyayang makipag-sex.
Nang tumanggi ang biktima ay hinalay ito ng suspek na hindi pa nakuntento ay pinukpok pa ng bato sa mukha, ulo saka pinagsasaksak pa ng screw driver hanggang mapatay at iniwang duguang nakalugmok.
Nang madakip ang suspek sa kaniyang tahanan ay nakuha sa compartment ng kanyang tricycle ang shoulder bag at sandalyas ng biktima gayundin ang pag-aari nitong damit, tsinelas at ang screw driver na ginamit sa krimen.
- Latest
- Trending