^

Probinsiya

Killer ng pamangkin ni Angel Locsin timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matapos ang halos tatlong buwang pagtatago sa batas, nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa pamangkin ng sikat na actress na si Angel Locsin matapos matunton ang pi­nagtataguan nito sa Brgy. Ibarra, Maasin City, Southern Leyte kamakalawa.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Fernando Sansan, nagtago sa bahay ng isa nitong kamag-anak sa nasabing lugar.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-8:30 ng gabi ng dakpin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang suspek na  tinangka pang manlaban matapos makorner ng arresting team habang natutulog. Agad namang pinosasan ng mga pulis ang suspek upang mapigilan ito sa pagwawala na ikinasugat ng isang pulis sa komosyon  at ibiniyahe na patungo sa Carcar City upang panagutin sa krimen.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong parricide sa pagpatay sa misis nitong si Rachelle Marie Salvador Sansan, 28-anyos sa kanilang tahanan sa Brgy. Perrelos, Carcar City, Cebu noong Nobyembre 4 ng nakalipas na taon.

Matapos maganap ang krimen ay nagtago na ang suspek hanggang sa matunton ng mga awtoridad ang pinagtataguan nito. Nabatid pa na isang ‘battered wife' si Rachelle Marie mula sa kamay ng asawa nitong sugapa umano sa droga. 

ANGEL LOCSIN

BRGY

CAMP CRAME

CARCAR CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FERNANDO SANSAN

MAASIN CITY

MATAPOS

RACHELLE MARIE

RACHELLE MARIE SALVADOR SANSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with