CAVITE , Philippines —Dalawang kalalakihan na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan ang iniulat na napaslang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Sitio Matagbak Talon, sa bayan ng Amadeo, Cavite kamakalawa ng umaga. Isa sa napatay ay nakilalang si Cristopher Digma na naisugod pa sa ospital. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Dexter Rellora, tinangkang sitahin ng mga pulis sa checkpoint ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo subalit umiwas at naunang nagpaputok ng baril. Dito na nagkahabulan hanggang sa mauwi sa shootout na ikinasawi ng dalawa. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay sinasabing sangkot sa panghoholdap at pagpatay kina Irma Castaneda at Alice Cevron sa Brgy. Lalaan at Brgy. Lumil sa bayan ng Silang, Cavite may ilang araw na ang nakalipas.