Magpinsan nalasog sa granada

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Halos nalasog ang katawan ng magpinsang menor-de-edad matapos masabugan ng granada sa bahagi ng Sitio Tucao, Barangay JMA sa bayan ng San Miguel, Catanduanes kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Ramon Tevar, 7; at Anthony Tevar, 4, na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na magkasamang naglalaro ang magpinsan na may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog. Kaagad naman tinungo ang pinangyarihan ng pagsabog at bumulaga kina Jane at Analyn ang kani-kanilang anak na duguang nakabulagta. Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumilitaw na may napulot na granada ang magpinsan at sa pag-aakalang laruang bola ay pinaglaruan kung saan sinasabing natanggal ang safety pin kaya sumambulat.

Show comments