Suspek sa murder ng BIR official natukoy

RIZAL, Philippines  — Tukoy na ng pulisya ang isa sa dalawang gunmen sa pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakalawa sa Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal. Kinilala ni Rizal PNP director P/Senior Supt. Manuel Cezar Prieto ang gunman na si Armando “Manding” Carino na may kaso na ring illegal possession of firearms sa Antipolo City noong 2008. Samantala, sumasailalim naman sa tactical interrogation ang may-ari ng motorsiklo na si Andy Carino na ginamit sa pamamaslang kay Marcelino Yap, 46, Revenue District Officer ng District 45 ng Marikina City. Si Yap na pinsan ni ex-Agriculture Secretary at ngayon ay Rep. Arthur Yap ay tinambangan ng mga suspek sa harapan ng L and M Grill sa Marcos Highway sa nabanggit na barangay kamakalawa ng umaga. Nabatid na natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek matapos abandonahin ang ginamit na motorsiklo bilang gate­away.

Show comments