2 kawani tiklo sa pagnanakaw

BATANGAS, Philippines  — Dalawang kawani ng Tanauan City Hall ang naaresto ng mga awtoridad matapos maaktuhang nagnanakaw ng tatlong metal drainage cover sa pamilihang ba­yan ng Tanauan, Batangas kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Manuel Manalo, hepe ng Tanauan PNP ang mga suspek na sina Conrado Natanauan, 30, ng Brgy Altura Bata at Delfin Carandang ng Barangay Banjo West ng Tanauan City at kapwa naka- assign sa nabanggit na palengke. Ayon sa police report, kapwa naaresto sina Natanauan at Carandang ng mga tauhan ng Civil Security Unit ng Tanauan City habang nasa aktong binabaklas ang tatlong me­tal drainage ng palengke bandang alas-12:30 ng hapon kamakalawa. Nahaharap ang kasong theft ang dalawang suspek habang nakakulong.

Show comments