Suspek sa Cainta massacre, tiklo

MANILA, Philippines - Nadakip na ng mga operatiba ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagmasaker sa mag-asawa at dalawa nitong anak noong Lunes sa bayan ng Cainta, Rizal sa isinagawang ope­rasyon sa bayan ng Boac, Marinduque kahapon. Narekober ang dalawang cell phone sa suspek na si Fortunato “Jun-Jun” Acibar matapos sopresahin ng pulisya sa kanyang kuta sa nabanggit na bayan. Nabatid na ang suspek ay sinasabi ring pumatay sa kanyang kinakasamang babae sa Northern Samar may ilang buwan na ang nakalipas. Magugunita na minasaker ng suspek ang kanyang mga kaanak na sina Amado Azibar Sr. 42, asawang si Elizaberth, 46 at ang dalawang anak na sina Amado Jr. 14; at Prechie, 10. Pinaniniwalaang nakatulong sa mabilisang pagkakadakip sa suspek ay ang reward na P.1 milyon na ipagkakaloob ni Cainta Mayor Ramon Ilagan.

Show comments