^

Probinsiya

Lolo kinatay ni lola dahil sa textmate

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 70-anyos na lolo ang iniulat na napaslang makaraang pagsasaksakin ng kanyang misis na lola dahil sa pagpapalit ng SIM card sa cell phone na may ka-txtmate kamakalawa ng hapon sa bayan ng Caba, La Union.

Kinilala ang napatay na si Lolo Alberto Timario habang ang kanyang asawa ay nakilalang si Lola  Erlinda.

Batay sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Gana dakong alas-5 ng hapon.

Nabatid na nagsimula ang away ng mag-asawa nang umuwing senglot ang lolo na may hawak na cellphone at pinagalitan ng kanyang misis dahil sa biglaang pagpapalit ng SIM card sa kaniyang cell phone kaya pinagdudahang may textmate na ibang babae.

Sa gitna ng pagtatalo, sinaktan ni Alberto ang kanyang asawa na hindi naman nakapagpigil ay kumuha ng kutsilyo sa kusina saka pinagsasaksak ang lolo.

Duguang bumulagta ang biktima habang nahaharap naman ngayon sa kasong kriminal ang matandang babae.

ALBERTO

BARANGAY GANA

BATAY

CAMP CRAME

DUGUANG

ERLINDA

ISANG

KINILALA

LA UNION

LOLO ALBERTO TIMARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with