Inhinyero itinumba

BULACAN, Philippines — Napaslang ang isang 54-anyos na inhinyero makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bisinidad ng Barangay Tumana sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo si Eufemio Raymundo, contractor, bayaw ni P/Supt. Rolando Tumalad ng CIDG-Mimaropa at nakatira sa nabanggit na barangay. Naganap ang krimen bandang alas-10: 30 ng umaga matapos magtungo sa vulcanizing shop ang biktima para ipagawa ang gulong ng kanyang sasakyang Toyota Revo (XJW-518). Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments