Pekeng NBI tiklo

ANTIPOLO CITY, Philippines  — Kalaboso ang binagsakan ng isang 29-anyos na lalaki na sinasabing nagpanggap na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang maaresto ng mga barangay tanod dahil sa panunutok ng baril sa motorist sa kahabaan ng St. Ignatius Street sa Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Emeterio de Guzman Jr., transport operator at nakatira sa Oliveros Street sa nasabing barangay.

Nabuko ang pagpapanggap ng suspek matapos magreklamo si Loel Villantes, 35, ng Brgy. Barangka, Marikina City.

Lumilitaw na nagkagit­gitan sina Emeterio at Villantes na kapwa lulan ng motorsiklo kung saan pagsapit sa barangay hall ay nanutok ng baril ang suspek.

Nang sitahin ang suspek ay walang maipakitang kaukulang papeles na nagpapatunay na tauhan ng NBI.Dito na dinisarmahan ang suspek.

Show comments