BUTUAN CITY, Philippines – Napaslang ang isang 45-anyos na municipal administrator makaraang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa harapanng kanyang tahanan sa Purok 6, Barangay Poblacion sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur noong Martes ng gabi.
Dalawang bala sa ulo at likurang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Medel Sambolod Samson ng nabanggit na barangay.
Base sa police report, papasok na ng gate ng kanilang bahay ang biktimang lulan ng motorsiklo nang lapitan at ratratin kung saan isa sa tama ng bala ay tumama sa ulo bago lumagos sa ibabang panga.
Sinikap na maisalba ng mga kaanak ang buhay ni Samson subalit idineklarang patay sa pribadong ospital. Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen. Phil. Star News Service