^

Probinsiya

Criminology stude binoga ng pari

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang alagad ng simbahan matapos nitong mabaril ang isang 19-anyos na criminology student na naaktuhang nagnanakaw ng bunga ng mang­ga sa loob ng compound ng simbahan sa Danao City, Cebu kamakalawa.

Naisugod sa Danao City District Hospital si Mark Robert Cecilio Ymbong ng Brgy. Guinsay, Danao City at  BS Criminology student ng Colegio de San Antonio de Padua. Pormal namang kakasuhan ng pulisya si Fr. Jonathan Durano Lao, 60, parish priest sa Colegio de San Antonio de Padua.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-12: 35 ng tanghali nang maaktuhan ng pari ang tinedyer na nasa puno ng mangga at namimitas ng bunga.

Kaagad na kinuha ng pari ang nakatagong air gun at nagpaputok sa ere bilang warning shot upang takutin ang biktima para bumaba mula sa puno.

Gayon pa man, hindi sinasadyang isa sa mga bala ng air gun ang tumama sa kaliwang dibdib ng biktima kung saan ay idineklarang nasa ligtas ng kalagayan sa nasabing pagamutan at sinagot naman ni Fr. Lao ang gastusin sa pagpapagamot.

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

CEBU

COLEGIO

DANAO CITY

DANAO CITY DISTRICT HOSPITAL

JONATHAN DURANO LAO

MARK ROBERT CECILIO YMBONG

PADUA

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with