6 nalason sa fried chicken

MANILA, Philippines - Anim na miyembro ng isang pamilya ang nalason matapos kumain ng pritong manok at hotdog sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa. Kabilang sa mga nalason na ngayon ay ginagamot sa ospital ay sina Ariel,1; Rubio Jasmin Grace, 6; Christy,  8; John Loyd, 3; Rachel Mae, at isang alyas Capote, 22, na pawang may apelyidong Okon. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, binili ang manok at hotdog sa supermarket saka niluto para sa pananghalian kung saan matapos kumain ay nagsimulang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae ang mga biktima. Inaalam naman ng mga awtoridad ang petsa ng pagkapaso ng manok at hotdog na niluto ng pamilya Okon. 

Show comments